Friday, May 15, 2009

ang alamat ni MR. BIDA

itago na lang po natin sya sa pangalang Mr. Bida. Una ko syang nakilala dun sa bahay ng isang tropa na tinatawag nmin samahang “UTOT”. Karay-karay namin ang isa’t isa sa bawat beer na ibato sa amin ng tanggero sa katauhan ni Tintoy . Madami kami, puro kahambugan, pabidahan sa bawat isa pero isa lang ang nangingibabaw syempre sya si MR. Bida. nagkasundo kami kasi dahil artistic sya at higit sa lahat HAMBOG, ibig sabihin, may katok sa ulo. E dahil naman pare parehas kami may katok sa ulo (samahang UTOT), pero kakaiba pa din ang kahambugan ni MR. BIDA.

Masaya sya kasama, at maraming kwento;, Mr. BIDA nga sya di ba? Na-alala ko pa nung maglalakad kami sa Crossing para lang makahanap ng chiks. Kung saan saang pasikot sikot ng Maynila kami nagkanda-ligaw ligaw, kung saang panig ng Kalookan nagpa-sikot-sikot; ginagabi kami hanggang makaabot Makati. Na-alala ko pa may kasama kaming isang tropa sya si Mr. Pogi, na parating nanghihiram ng lip gloss ko, ayy! Threesome kami sa kalye, ginagabi, inuumaga; ulan, baha at araw man. Kaso malas pa din wala man lang isang chiks ang pumansin sa amin. (may susunod HEheHeHEhehehe!)

1 comment: